K3

Just thinking aloud...

Tuesday, December 19, 2006

Have You Ever

By: Brandy

I never thought that I will be able to relate to this song.

In the past, I just appreciate this song and just sing with it while it is being played in the radio. I never imagined that this song will someday make me cry so hard.

I did experience this.
I still am experiencing it.
I loved.

Have you ever loved somebody so much
It makes you cry
Have you ever needed something so bad
You can't sleep at night
Have you ever tried to find the words
But they don't come out right
Have you ever, have you ever

Have you ever been in love
Been in love so bad
You'd do anything to make them understand
Have you ever had someone steal your heart away
You'd give anything up to make them feel the same
Have you ever searched for words to get you in their heart
But you don't know what to say
And you don't know where to start

Have you ever loved somebody so much
It makes you cry
Have you ever needed something so bad
You can't sleep at night
Have you ever tried to find the words
But they don't come out right
Have you ever, have you ever

Have you ever found the one
You've dreamed of all your life
You'd do just about anything to look into their eyes
Have you finally found the one you've given your heart to
Only to find that one won't give their heart to you
Have you ever closed your eyes and
Dreamed that they were there
And all you can do is wait for that day when they will care

Have you ever loved somebody so much
It's makes you cryHave you ever needed something so bad
You can't sleep at night
Have you ever tried to find the words
But they don't come out right
Have you ever, have you ever

What do I gotta do to get you in my arms baby
What do I gotta say to get to your heart
To make you understand how
I need you next to me
Gotta get you in my world
'Cuz baby I can't sleep

Have you ever loved somebody so much
It's makes you cry
Have you ever needed something so bad
You can't sleep at night
Have you ever tried to find the words
But they don't come out right
Have you ever, have you ever

Monday, December 18, 2006

Sayang!

Nalulungkot ako. Alam ko kung bakit. Hindi ko na kailangan pang sabihin.

Nagsisisi ka ba na sinubukan nating ayusin at maging mabuting magkaibigan?

Hindi. Kasi yun ang pinakamaligayang mga araw sa buhay ko.

Wala ba akong ibang pwedeng piliin kundi oo o hindi?

Wala.

May magagawa ba ako sa desisyon mo?

Wala.

Hindi ba pwedeng bawasan nalang natin?

Hindi. Walang mababang nibel dun.

Yan na ba talaga ang desisyon mo?

OO.

Kakayanin mo ba?

Hindi ko kaya.

Pinaaalis mo na ba ako?

(Iling) Hindi...ayaw kitang umalis. Kung ito na ang huli, gusto kitang makasama ng matagal. Gusto kong sulitin ang gabi.

Anong plano mo?

Hindi ko alam. Pero dapat may magbago. Hindi pwedeng laging ganito. Napapagod at nahirapan nako.

Pano na?

Hindi ko alam.

Anong mangyayari?

Hindi ko alam.

Anong gagawin natin?

Hindi ko alam.

Masama nalang sana akong tao. Kasi at least masisisi ko sarili ko sa mga pangyayari.

May nagawa naman ba ako para sayo?

Marami.

May magagawa pa ba ako?

Wala.

Hindi ba talaga pwedeng subukan?

Hindi ko nakikitang ganun.

Wala na ba talagang pag-asa at kinabukasan?

Ayokong magsalita ng tapos.

Tatapusin ko nalang. Ako naman ang ugat ng lahat nang ito e.

Walang sisihan...hindi kita sinisisi. May parte rin ako. Hindi lang ikaw. Alam ko mas masakit para sa iyo ito pero nasasaktan din ako. Nanghihinayang.

Ang sakit sakit. Ang liit ng mundo.

Alam ko. Hindi lang ikaw ang nakakaramdam nyan. Matagal din tayong nagsama. Ganyan talaga.

Kapag may problema ako ikaw ang takbuhan ko. Sa lahat ng bagay ikaw ang lakas ko. Pero nung mga oras na iyon, ramdam kong nag-iisa ako. Wala akong matakbuhan dahil ikaw ang problema ko.

Patawad. Hindi ko sinasadya.

Mag-iingat ka palagi. Alagaan mo sarili mo (yakap). Sana maging masaya ka.

Kayanin mo ha. Lakasan mo loob mo.

Pano kung di ko kayanin? May mababalikan pa ba ako.

Andito lang ako.

FIRST LOVE NEVER DIES.

TAMA KA.

Naghintay ako. Maghihintay pa sana ako.

Walang kasiguruhan. Wag! Wala akong maipapangako.

Paalam Boss.

Paalam Kumander.

Baliktanaw

Ayoko nang magpakaprofound! Ayoko na ng sugar coating! tama na ang pagkukunwari. Sa huli bigo rin naman talaga.

Akala ko nung una magiging maayos. Umaasa ako na ok na. Pero ako rin para ang gumawa ng sarili kong hukay.

Nitong mga nakaraang taon maraming kakaibang mga bagay ang nangyari sakin. Maraming bago at hindi inaasahang pangyayari. Pero sabi nga " The show must go on!" Kahit anong mangyari kailangang ipagpatuloy ang buhay.

Ayoko nang magpatuloy. Gusto ko nang bumitiw. Gusto kong magwala. Maraming tanong ang gumugulo sakin. Tanong na hindi ko alam ang kasagutan at marahil ay wala ring nakakaalam.

Hindi ako masamang tao. Bakit nangyayari sakin ito! Kasalanan ba yun? Bakit kailangan ganun? Bakit hindi pwede? Paano na? Makakapagpatuloy pa ba? Mabubuhay pa ba? Kakayanin ko ba? Ipagdarasal ko ba?

Para akong kandilang natutunaw. Habang tumatagal nawawala na ang kinang. Nauupos na.

Pano na nga kaya?

Monday, December 04, 2006

Everything Gabay

kilala mo si Tita Chit
sumali/nag-perform sa org tours
natakot/nanakot sa trust walk
naluluha sa Gabay song
nakasama sa mga planning sessions (you mean session without an s. haha. isa lang nasamahan ko. sa bahay ko pa!
inabutan ang Gabay hacienda
naging bahagi ng execom
nanalo ng best tutor award
nanalo ng most outstanding gabayano award (may award ako pero di ata MOST. outstanding lang ata yun)
sumali sa caroling
naging bahagi ng Gabay choir
nag-attend ng retreat
umattend ka ng 25th year anniversary (30th lang)

Tambay ever
tumambay at nakipag-jamming sa mga kapwa gabayano
inubos ang lahat ng alam na kanta sa 1001 Hits na songbook
nag-aral at natuto (pwede ring hindi) mag-gitara (nag-aral lang pero nakalimutan din pagkagraduate)
tumambay o kaya'y nag-meeting sa "sunken garden" (na hindi naman talaga garden)
ginawang caf ang GR
natutulog sa GR
kilala mo si Mang Manny
nabiktima ka ng higad sa harap ng GR
ginawang locker ang pigeon hole
ginawang notepad/drawing book ang logbook (more like art project)
gumawa at nagpapirma ng birthday thingy (isa pang art project)

Matters of the heart
nagka-crush sa isang ate/kuya (hahaha)
nagka-crush sa lower batch (hahaha)

nagka-crush sa angel/soul mo ^_~
nakahanap ng best friend/s sa Gabay
nakahanap ng true love ^_^