K3

Just thinking aloud...

Monday, December 18, 2006

Sayang!

Nalulungkot ako. Alam ko kung bakit. Hindi ko na kailangan pang sabihin.

Nagsisisi ka ba na sinubukan nating ayusin at maging mabuting magkaibigan?

Hindi. Kasi yun ang pinakamaligayang mga araw sa buhay ko.

Wala ba akong ibang pwedeng piliin kundi oo o hindi?

Wala.

May magagawa ba ako sa desisyon mo?

Wala.

Hindi ba pwedeng bawasan nalang natin?

Hindi. Walang mababang nibel dun.

Yan na ba talaga ang desisyon mo?

OO.

Kakayanin mo ba?

Hindi ko kaya.

Pinaaalis mo na ba ako?

(Iling) Hindi...ayaw kitang umalis. Kung ito na ang huli, gusto kitang makasama ng matagal. Gusto kong sulitin ang gabi.

Anong plano mo?

Hindi ko alam. Pero dapat may magbago. Hindi pwedeng laging ganito. Napapagod at nahirapan nako.

Pano na?

Hindi ko alam.

Anong mangyayari?

Hindi ko alam.

Anong gagawin natin?

Hindi ko alam.

Masama nalang sana akong tao. Kasi at least masisisi ko sarili ko sa mga pangyayari.

May nagawa naman ba ako para sayo?

Marami.

May magagawa pa ba ako?

Wala.

Hindi ba talaga pwedeng subukan?

Hindi ko nakikitang ganun.

Wala na ba talagang pag-asa at kinabukasan?

Ayokong magsalita ng tapos.

Tatapusin ko nalang. Ako naman ang ugat ng lahat nang ito e.

Walang sisihan...hindi kita sinisisi. May parte rin ako. Hindi lang ikaw. Alam ko mas masakit para sa iyo ito pero nasasaktan din ako. Nanghihinayang.

Ang sakit sakit. Ang liit ng mundo.

Alam ko. Hindi lang ikaw ang nakakaramdam nyan. Matagal din tayong nagsama. Ganyan talaga.

Kapag may problema ako ikaw ang takbuhan ko. Sa lahat ng bagay ikaw ang lakas ko. Pero nung mga oras na iyon, ramdam kong nag-iisa ako. Wala akong matakbuhan dahil ikaw ang problema ko.

Patawad. Hindi ko sinasadya.

Mag-iingat ka palagi. Alagaan mo sarili mo (yakap). Sana maging masaya ka.

Kayanin mo ha. Lakasan mo loob mo.

Pano kung di ko kayanin? May mababalikan pa ba ako.

Andito lang ako.

FIRST LOVE NEVER DIES.

TAMA KA.

Naghintay ako. Maghihintay pa sana ako.

Walang kasiguruhan. Wag! Wala akong maipapangako.

Paalam Boss.

Paalam Kumander.

1 Comments:

  • At 10:02 PM, Anonymous Anonymous said…

    payo:

    "there is someone special waiting for you"

     

Post a Comment

<< Home