K3

Just thinking aloud...

Wednesday, July 18, 2007

LIPAT BAHAY BAGONG BUHAY

Matapos ang napakatagal na paghahanap, nakalipat narin sa wakas at naging komportable na. Ang hirap talagang maglipat! Nakakapagod, nakakalungkot at nakakapanibago.

Kaya lang naisip ko rin, isang paraan din yun ng pagbabago. Isang pagkakataon na bihirang dumating sa isang tao na wari'y nagsisimula ka ulit.

Nagtapon ng mga lumang gamit na hindi na kailangan. Itinapon ang mga bagay na dapat nang iwan at hindi na balikan. Papel, damit, sapatos, tsinelas, mga bagay na hindi na dapat dalhin sa bagong bahay.

Isang bagong buhay ang hinaharap. Hindi kinalimutan ang pinanggalingan, nakatabi pa rin sa alaala. Subalit lahat nang iyon ay nakalipas na at mabuting iwan na lamang sa ganun.

Hangad ang mabuting bukas. Isang malaking espasyo na naghihintay lamanan ng maraming bagay. Bago at lumang kagamitan ay pinagsama. Handa nang harapin ang bagong umaga.