K3

Just thinking aloud...

Saturday, January 22, 2005

KADRAMAHAN

Bakit kaya ganun? Ang hirap maging masaya. Simple lang naman ang gusto mo pero hindi naman binibigay sayo.
Sabi nila hindi raw masama mangarap, libre raw yun. Kaya lang masakit kapag alam mong hindi maaari iyon. O kaya naman kahit na alam mong posibleng mangyari, alam mong hindi lamang desisyon mo ang makakapangyayari sa mga bagay bagay...

Friday, January 21, 2005

AJA!

Wag Na Wag Mong Sasabihin
Kitchie Nadal

May gusto ka bang sabihin?
At hindi mapakali, ni hindi makatingin
Sana'y wag mo na 'tong palipasin
At subukang lutasin, sa mga sinabi mo na........

[refrain:]
Ibang nararapat sa akin, na tunay kong mamahalin

[chorus:]
Oh oh oh oh wag na wag mong sasabihin
Na hindi mo nadama itong........ pag-ibig kong handang
Ibigay kht pa kalayaan mo

Hindi ko man inaakala, na ako'y isang bituin na walang sasambahin
Hindi ko man ito ipakita, abot langit ang daing, sa mga sinabi mo na

[refrain:]
Ibang nararapat sa akin, na tunay kong mamahalin

[chorus:]
Oh oh oh oh wag na wag mong sasabihin
Sa hindi mo nadama itong.........pag-ibig kong hanang
Ibigay kht pa kalayaan mo

[bridge:]
At sa gabi, sinong duduyan sayo?
At sa umaga, ang hangin na hahaplos sayo

[chorus:]
Oh oh oh oh wag na wag mong sasabihin
Na hindi mo nadama itong........ pag-ibig kong handang
Ibigay kht pa kalayaan mo

Friday, January 14, 2005

Nowhere to Run Part I

Among the benefits of having a lot of friends is to have someone always there to help. But what if inspite and despite of the abundance of them, none of them are available when you feel so down...
I don't want to be selfish. I know that much as they want to help during the rough times they also have to live their own lives. I am not the only person in the world related to them. I am not the only person they have to accommodate. Lastly I am not the only problematic person.



Isang Gabi sa Buhay ng Malusog na Pechay

Tuwang tuwa ang malusog na pechay dahil malapit na ang anihan. Magaling kasi ang nag-alaga kaya't talaga namang malalaki ang mga bisig niya at kaayaayang pagmasdan ang malalapad at mabeberdeng dahon nito. Oras na para sya'y anihin. Hindi na makapaghintay si MP(Malusog na Pechay). Kung pwede lamang na hugutin na nya ang sarili ay gagawin nya.Sabik na sabik na syang makita ang supermarket...Sabi kasi maganda raw doon, malamig, maliwanag at higit sa lahat maraming uri ng gulay. Sa sandaling panahon syang mamamalagi doon, marami syang pwedeng maging kaibigan. Marami syang pwedeng matulungan sa kahit anong paraan na makakaya nya. Para kay MP katuparan ng pangarap iyon. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na darating ang araw na may bibili sa kanya at makakatulong naman sya sa ibang paraan.