K3

Just thinking aloud...

Thursday, March 13, 2008

Graduation na!

Hay grabe ang bilis ng panahon!

Marso na! Graduation na naman. Parang kailan lang e mga batang paslit ang mga magsisipagtapos na ito. Aba akalain mo, gagraduate na sila! Ay kabilis naman talaga ng panahon!

Wala lang, naisip ko lang biglang, 6 na taon na pala akong wala sa kolehiyo. Hahaha...Tiktak tiktak...

Gulong ng Palad

Kagabi ang huling klase namin sa Psychotherapy. Sa kursong iyon, kaklase ko ang dati kong guro sa stat.

Huling araw na ng presentation ng mga group therapy.Kasama sa magpepresent ay ang guro ko na ngayon ay kaklase ko. At ang punchline, ako ang isa sa mga panel nya!

Hahaha...kakatawa...Dati-rati ako ang ginigisa nya. Wahahaha kagabi ako naman...hahahaha!

Wala lang...Nakakatuwa lang...Ü

Gulong, gulong, gulong...minsan ikaw ang nasa itaas minsan nasa ibaba...

Mali mali

1. Nung isang araw napanood ko sa youtube ang Music Idol sa Bulgaria. May babae na nag-audition at ang titulo ng awit nya ay Ken Lee.

Mangiyak ngiyak ako sa pagtawa nang narinig ko ang kanta nya...Wahahahaha...panoorin nyo promise laugh trip!

2. Dahil sa trauma ko sa sagot ng isang Bb. Pilipinas candidate noon nang tinanong sya ng "If you will have powers, what would you like to have?" at ang sagot nya, "I want to invisible, kasi matagal ko nang hindi nakikita yung mga kamag-anak ko sa States e."

Isa pa "Can you tell us who your favorite cartoon charater and why?" My favorite cartoon character is Betty Boop. Kasi po malaki boobs nya e..."
Waaah!!!

At ngayon ang pinakasariwa at nakakalokang sagot... ang sagot ni Janina San Miguel...Mapapa "Ano raw?" ka kapag napanood mo ang sinabi nya. Sige search nyo ulit sa youtube at maloloka ka!

Monday, March 03, 2008

Senyales ng Pagtanda

Noong bata pa ako, nagtataka ako kung bakit ganun nalang ang kasiyahan ng mga magulang ko kapag nagkikita-kita sila ng mga kaibigan nila. Ang iingay nila! Kanya-kanyang bangka!
"Hay mga matatanda nga naman, pilit na binabalik ang kabataang nalipasan na ng panahon."- Ito ang lagi kong nasasabi sa sarili ko.
Tapos habang lumalaki ako, tinatanong ko pa rin sa sarili ko, hindi ba nakakasawa kung lagi sa tuwing nagkikita kayo e yun at yun din ang topic? Parang pare-pareho lang naman ang pinag-uusapan. Pareho lang ang mga jokes na naririnig ko sa kanila pero paulit-ulit pa rin nilang na tinatawanan. Hindi ba talaga sila nasasawa? Weird!
Hanggang isang araw, boom! Nagising nalang ako na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan ko at pinagtatawanan ang mga kalokohan sa hiskul. Mga taong naging parte ng buhay na namin na kung babalikan namin ay mapapasabi kami ng "Bakit nga ba nagustuhan mo si ganun? " o kaya naman "Ano nga bang pumasok sa isip natin at nagawa natin yun?" at "E naaalala mo si ano, di ba nga ...blah blah blah..."
Ngayon nga, ako pa ang nagvovolunteer at madalas na may pakana ng mga reu-reunion. Para bang sabik na sabik kaming magkita-kita tapos ang pag-uusapan namin...Hindi kung ano ang ngayon, kundi kung ano ang nangyari noon. Weird di ba!
Pero ang sarap ng pakiramdam. Ganun pala yun?
Sa araw-araw na nakakaubos lakas na trabaho at pagpupunyagi na magkaroon ng maayos na buhay, isang mahahaba-habang kwentuhan at tsismisan lang, talo pa ang alaxan at ang stresstabs sa pagtanggal ng pagod.
Ganun pala yun?
Ganun pala ang nararamdaman ng mga magulang ko noon. Parang naghahanap ng kakampi at karamay sa mga nangyayari sa buhay.
Haay....Ganito yata talaga kapag tumatanda na. Para makalimutan ang mabilis na pagdaan ng panahon e dinadaan nalang sa mga kwentong noon...hahaha...
Tumatanda na nga ako...naiintinhinan ko na ang esensya reunion e hahahaha...Ü
Ikaw ganito ka na rin ba?
Hala ka tumatanda ka na rin!

Long time No write!

Gravity!

Ang tagal ko na palang hindi naa-update ang blog ko!

Grabe ang semestre na ito! Nakakaloka ang maging estudyante ulit. Exam dito, exam doon, paper dito paper doon, report dito report doon...Haaayyyy Tapos syempre nagtatrabaho pa.

Kakaloka kasi wala nako social life. huhuhu...