CELEBRATE LIFE
Hay nakow estudyante blues! Daming papers na kailangan ipasa. Finals week na next next week...Kailangan kong gumawa ng apat na papel bago matapos ang semestre.
Pero isa sa mga kailangang gawin ay ang Personal mission statement...Ano nga ba ang sa akin?
Noong nasa Kythe pako tuwing Miyerkules may tinatawag kaming CELEBRATE LIFE. Nag-eenjoy kami kasama ng mga batang may malubhang karamdaman. Gumagawa ng art work, nanonood ng cartoons, naglalaro ng lego etc. Suma total Nagsasaya...Ipinagdiriwang ang biyayang buhay...
Mukhang ito ang misyon na gusto kong marating...Gusto kong ipagdiwang ang buhay...Masarap maranasan ang biyayang ito na minsan lang makamit ng isang tao.
Dahil sa isa lang ang buhay na ito, nararapat lamang na gugulin ito sa mga gawaing kapaki-pakinabang. Masayang damdamin ang bawat pangyayari maging ito man ay mahirap, masarap, masaya, malungkot, nakakatakot, nakakatamad at kung anu-ano pa. Masarap damhin ang pagpaparamdam ng kalikasan, ang sumugod sa ulan, magtampisaw sa dagat o ilog, umakyat sa puno ng aratilis, umupo sa gitna ng bel field para magpahangin at magpagulung-gulong sa damuhan...Haaaayyyyy.....ang sarap mabuhay...
Totoong hindi lang ganito ang buhay subalit sa kabilang dako may ilang tao na hindi alam na may ganitong aspeto ang pamumuhay sa mundo.Totoong kailangan natin magpursige para mapaunlad ang pinansyal na katayuan subalit kailangan nating isipin na ang katulong natin para gawin ito ay ang ating sariling katawan. Kailangang pakinggan natin ang binubulong nito. Magpahinga kapag pagod. Bigyan ng panahon ang sarili para makapagpahinga at makitang may mundo sa labas ng trabaho , paaralan o kung saan ka mang kapaligiran nakakulong. Pagtuunan ng pansin ang mga may buhay sa paligid mga halaman, hayop, tao. Pansinin ang mga walang buhay. Maging mulat sa mga nangyayari.
Pagbalik natin sa mga gawain, todo suporta ng ating katawan. Maipagpapatuloy na ang paghahanap-BUHAY. Kung hindi titigil at magpapahinga hindi na makakapaghanap-BUHAY, e pano pa mangyayari iyon kung wala nang BUHAY.
Damhin ang nangyayari NGAYON. Isipin na ang lahat ng bukas, hindi magtatagal at magiging ngayon. Para ano pa't gumagawa para bukas kung pagdating naman ng kinabukasan ay hindi mo naman kinikilala ang mga pinaghirapan. Isipin na ang bawat ngayon ay makakaapekto sa bukas. Ito ay daan sa kinabukasan. Gawing tama ang ngayon para walang maging komplikasyon sa bukas. Ang ngayon ay napakahalaga. Sa kahit anong ginagawa, kapag tama ang NGAYON sa kalaunan walang KAHAPONG pagsisisihan at may maliwang na BUKAS na matatanawÜ.
Halina't ating ipagdiwang ang buhay. Maging mulat. Maging malaya. Magpakasaya!

1 Comments:
At 5:42 PM, Anonymous said…
Are Your Kids Blogging?
It's a term that many parent's may never have heard of, blogging. By definition, a blog is a chronological publication of personal thoughts and web links.
Not bad at all!
Want to see my stop snoring exercices blog?
Post a Comment
<< Home