K3

Just thinking aloud...

Monday, May 09, 2005

VIGAN!

Iba talaga ang Vigan! Ang daming old buildings...ang dami rin old people hehehehe...

Maliit lang na lugar pero mayaman! Ang daming antique...scary!

Nagpunta kami sa palengke, sa mga simbahan, sa paburnayan, sa St. Paul (hehehehe trabaho pa rin!) sa Leona's at nanood kami kung paano ginagawa ang Ilocos Empanada! Ang sarap ng empanada yum!

Pinuntahan namin ang bahay ng kapatid ni Chavit na si Bonito. Kaibigan kasi ni Padre ang kapatid nila na si Germi. Ang ganda ng bahay nila! Well preserved! Puro antique, malinis at maaliwalas. Akalain mo may balon sa terrace?!

Sayana nga lang wala nang oras puntahan ang bahay ni Chavit...maganda raw dun, nature trip! Gusto ko pa naman makita ang tiger na cute...Ü

Ang Vigan pasyalan lang for me...ayoko tumira dun. Takot kasi ako sa mumu. Maraming antiques dun at mga banga! Takot ako!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home