K3

Just thinking aloud...

Tuesday, April 12, 2005

Ninang...

Last Sunday nadagdagan na naman ang aking responsibilidad. May isa na naman akong inaanak at take note it's a boy again! Haaaayyyy...pahirapan na naman magregalo...Ewan ko ba, sa tinagal tagal ng panahon na may inaanak akong lalaki e lagi nalang akong namomroblema sa tuwing may okasyon. Hindi ko alam kung ano ang ibibigay ko.

Grabe na! ang una kong inaanak binata na! Graduate na ng hiskul. Magcocollege na, naalala ko pa nung lagi ko syang pinagsasabihan na magsuot ng tsinelas kasi hilig nyang maglakad ng nakaapak. Ngayon aba, binata na, hindi lang marunong magtsinelas, lagi nang nakasapatos at laging magara ang suot. Haaaayyyy....grabe ang bilis talaga ng panahon...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home