K3

Just thinking aloud...

Friday, April 22, 2005

naabutan mo ba to? (ako oo lahat)wwwaaaahhhhh

- --nung ikaw ay bata... nagawa mo ba to?--

*kumakain ka ba ng aratilis?
*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapybubblesna hihipanmo sa binilog na tanggkay ng walistingting?*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?
*marunong ka magpatintero, saksak puso,langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik, at luksong baka?
*malupit ka pag meron kang game and watch, atari, family computer or nes?
*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left,right, left, right, a, b, a, b, start? - hehehe 30 lives sa Contra
*Naglalaro ka ng jackstone, pick up stick, dr. quack quack, agawan base, siato, jolens quick, tumbang preso, piko, step no, 10 20 (hindi yung gater game kundi yung laro sa tsinelas),text (yung maliliit na cards na may picture...at hindi sa cellphone)
*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, CrossColors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakitaka ng Bench na damit eh naalala mo si RichardGomez?
*nagsuot ka ba ng shirts na may tatak na garfield and friends, teenage mutant ninja turltes at barbie?
*addict ka sa rainbow brite, carebears, my littlepony, thundercats, bioman, Mask man G. I. Joe, Transformers, voltes v, mazinger z, daimos,he-man at marami pang cartoons na hindi patranslated sa tagalog?
*nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puting panty nya? - mismo.
*marunong ka mag wordstar, lotus 123 at nakahawak ka natalaga ng 5.25 na floppy disk?
*inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna...nung high school ka inaabangan mo lagi beverlyhills 90210?
*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?
*meron kang blouse na may padding kung babaeka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
*kilala mo si Irmadaldal, manang bola at ang sitsiritsit, at ang girls na sina luning-ning at luging-ging?
*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?(fushigi shigi hwakafushigi ruwa) - ngayun din!
*idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers?
*eto malupet... six digits! lang ba ang phone number nyo dati?
*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala? sabi nga ni dingdong avanzado...tatlong bentisingko lang ang aking kailangan...
*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga (sina tito, vic and joey pa ang talagang host) at alam mo ang song na "eh kasi bata"?
*Paborito mo ang That's Entertainment at gustong gusto mo ang thursday (dahil lagi silang nananalo), nung hiskul ka ay Ang TV na ang inaabangan mo
*kilig na kilig ka sa love team nina Jano, Manilyn, Sheryl, Romnick, Tina Paner, Chris Villanueva, Lotlot, Monching
*Nag enjoy ka sa Goin Bananas lalo na kay Zorayda at Whitney Tyson
*Gusto mong makita ang engkantadia dahil sa Ok ka Fairy ko
*Alam mo ang Lunch Date at alam mong dun nagsimula si Mahal
*Kilala mo si Ula ang Batang Gubat, Analuna
*Takot na takot ka sa Pinoy thriller at Regal Shocker
*Galit na galit ka kay Clara at gusto mo syang sabunutan para ipagtanggol si Mara
*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?
*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?
*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti" at "isadadada isda"?
*alam mo ang kantang "gloria labandera"..lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3,asawa ni marie"... hehehehehe?
*sosyal ka pag may play-doh ka, Lego at Barbie... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?
*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
*lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong...diba naninipit yun?
*alam mo ang nanay tatay at pen pen de sarapen (may tv show na ganun na ang mascot ay si Islaw)
*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?
*meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin? - Binibirocha
*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pagpinapawisan ka?
*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubblegum (Bazooka ang pinakapaborito dahil nangongolekta ka ng comics strip ng bazooka at naniniwala sa bazooka fortune)... tira-tira, at yung kending bilog nasinawsaw sa asukal?
* ang paborito mong junk food ay cheezum, cheez it at peewee
*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?

KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NANG 25 YEARSOLD... KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA23-25 KA... tigil na edad natin dito ah...WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NALANG... DIBA .75 CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW AT FANTA? HAHAHAHAH

0 Comments:

Post a Comment

<< Home