Liwanag sa pagputok ng araw
(Hango sa totoong pangyayari...possibleng may dagdag bawas na nangyari)
Tulugan na..Ang lagkit ng pakiramdam. Masarap magshower.
Matapos magshower naupo ulit sa lamesa. Sinamahan ang kaibigang umiinom. Kinuha ang baraha at sumubok magsolitaryo. Medyo iba ang pakiramdam. Tulog na ang ibang kasama. Kaming dalawa nalang ang gising. Hmmm...
"Tapusin ko lang iniinom ko tapos uwi nako."
"Wag ka na umuwi please."
"Ang dami ko pa gagawin at malapit lang bahay ko."
"Hmp bahala ka na nga."
"Marunong kang manghula?" sabi nya. Sumagot ako "OO. Bakit?"
"Hulaan moko!" May kasamang ngisi habang sinasabi.
Hindi ako nag-isip ng isasagot at biglang sinabing, "Sige ba!"
Biglang nanlamig ako. Napaisip bigla, "Wala akong alam na ibang hula kundi tungkol sa lovelife ng taong nagpapahula at ng isa pang taong nagugustuhan nya. Naku patay! Kaya ko ba to? Handa na ba akong marinig ang relasyon nya sa ibang babae? Handa na ba akong manggaling sa sarili kong isip at bibig ang relasyon nila ng ibang babae ayon sa nababasa at interpretasyon ko sa mga lumabas sa baraha? Tama ba ito? Anong gagawin ko? Wag nalang kaya... Sabihin ko nalang napapanggap lang akong marunong ako pero hindi naman talaga. Kaso hindi pwede, nasabi ko na na marunong ako at mukha pakong excited nung sinabi ko yun. Pano na???" Buntung hininga. "Haaaayyyy...Wala na talagang bawian to..."
Wala nang nagawa. Kailangan nalang simulan para matapos nalang agad.
Tinitingnan nya ako sa mata. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Malapit na malapit ang mga upuan namin. Halos magkadikit na ang mga balikat. Unti-unti pang nagdidikit habang lumalaon. Madaling araw ito. Isang oras bago pumutok ang araw. Osang oras bago muling magsimula ang umaga. Isang oraw bago lumiwanag ang paligid, ang lahat.
Ibalasa ng 3 beses ang mga baraha. "Hindi na kaya ng powers ko! Itutuloy ko pa ba?"
Ibalasa ulit, kung ilang letra ang pangalan (kung ano ang tawag mo sa kanya) ng taong nagugustuhan. "O bakit sa ilalim ka ng mesa nagbabalasa?" Sagot nya" E...basta. Ayaw kong makita mo." Kunyaring nagtatakang tinanong ko, "Ngek bakit naman?" Tumingin lang sya at ngumisi.
I-cut sa dami ng sylables ng tawag mo sa kanya. Kinuha ang baraha sa mesa at muli itinago sa ilalim. "o, nacut ko na." Nagulat ako. "Ha? Hindi dapat ganun!" Buong tapong kong sinabi, "Alam mo hindi ko rin naman gusto malaman kung sino ang mga pinahuhulaan mo e, pero parte ng proseso na malaman ko man lang kahit syllables kasi ako ang mag-aarange ng order matpos mong i-cut!"
Napilitan kaya sumunod din.
Ako na bahala...matapos ang proseso...Basa. "Ahh... ganito yan...blah blah blah blah blah blah." Habang ginagawa ito saloob ko ay ganito "Aray aray...sino ba kasi ito? Kung sinu sino pa kasi."
Makulit sya. Nangingiliti sa tagiliran. Medyo pacute tumingin, pero cute naman. Kulitan talaga.
"Hindi na mabilang...pang-ilan na nga ba ito?" sabi ko. Nung una medyo may kirot. Sa bandang dulo, nasasanay na. Hanggang sa naging sanay na.
Nung masanay sabi nya, "Nahulaan mo na ba tayo?"
Gulat na gulat ako, "Ha? Hindi pa, ayoko...basta....matagal nakong hindi nanghuhula..."
"Bakit ko naman gagawin yun? Nakakahiya e..."
"Sige matapos lahat, hulaan mo tayo. Ayaw o bang malaman? Malay mo magkatuluyan tayo...Ayaw mo bang magkatuluyan tayo?
"Ha?...A... E... gusto, kaso one way lang naman di ba? Malamang ganun din yung lalabas. O ubusin mo na yang iniinom mo di kita matutulungan dyan e."
"Ngek sige na hulaan mo tayo. One way lang ba? Sigurado ka? Ito kaya ko ubusin to wag ka mag-alala ako pa! Lalaki lang tyan ko ulit"
"Ayan ka na naman ginugulo mo na naman e. Sige na nga. OO nga lalaki tyan mo. Jog ka nalang ulit"
"Naku may mali akong nagawa! Lagot!"
"O ano na resulta?"
"Sabi ko sayo one way e...Alam naman siguro natin yun kung sino. Bakit two way ba?Ang hirap naman ipaliwanag nito. Basta ganun!"
"Antok nako, tulog na tayo..." (sa loob ko "Yehey di sya uuwi...Matutulog sya kasama namin dito. Makikita ko pa sya mamaya! Makikita ko pa sya pagkagising ko.")
"Hindi pako inaantok e."
"Tara na matulog na tayo. Umaga na. Tingnan mo sila tulog na tulog na. Ganda nilang tingnan"
"Dito ka na matulog."
"Sige dyan ka na dito nako di na tayo kasya e."
"Sige magliligpit lang ako."
Nahiga sya sa sofa.
"Sigurado ka one way lang ha...."
"Nagtataka nga ako ba't walang babaeng lumabas..."
"Ha? Bakit naman? Sa iba nga walang lumabas e..."
"E babaero ka e...and one way nga di ba..."
"Haha...Sure ka..."
"Bakit, hindi ba?"
Tumahimik na...tulog na yata o nagtutulugtulugan... Ganda nya pagmasdan matulog...sige na nga tulog na rin ako...
Andyan na ang liwag... Lumiliwanag ba talaga?

1 Comments:
At 1:44 AM, Anonymous said…
Looking for information and found it at this great site...
Post a Comment
<< Home