K3

Just thinking aloud...

Monday, May 22, 2006

Double date ba?

Di masyadong maganda ang simula. Nagkakainisan pa nga. Sabado na manonood na ng sine. Kaso biglang umulan. Pagkatila diretso sa sinehan, kumuha ng tiket. Sa gitna ng panonood, biglang sumakit ang tyan. haaaayyyy...boring kasi ang pelikula...

Nang matapos ang mahabang panonood, nagutom. Kumain sa chef d 'angelo.

Lunch o dinner, ewan basta kain tayo!
Nag-order ng pizza at pasta.

Gusto ko ng Pesto! Bawal! Sige kahit ano.

Aba naiba ihip ng hangin?! Gentleman ka yata?!

Hinati ang pizza at ipinaglagay ako sa plato...Aaawww...How sweet!

Habang kumakain, nagkukwentuhan.

Sumasakit pa rin ang tyan at nasusuka pa rin.

Tinawag ang waiter "Can you please give me a glass with ice." Para hindi masuka, yelo ang solusyon.

Aba binigyan ba naman ng tubig na may yelo?!

Susubo ng pasta...ice cube. Kakagat sa pizza...ice tube. Tubig. Susubo ng pasta...ice cube. Kakagat sa pizza...ice tube. Para lanf manatili sa walang lamang tyan ang masarap na pagkain.

Nahilo ang mga kasama sa dami ng nakain...grabe kasi sa dami.

Naglibot libot. Aba bumili ng shirt, "Wala yan sa plano. Salamin dapat."

Naglibot pa..."Dapat nagbowling. Pero ok lang nakakatuwa namang maglakad lakad."

Napagod sa mall...umuwi sa Pasig, gaya ng dati.

Nagtable tennis magdamag.

Nananalo sa una...sa bandang huli bokya, balaguong lahat na ng panlalait sa laro...

Haaayyyy...

Nagpoker...ang saya!

Poker face!

Inaantok, dahil sa ininom? Hindi antok na talaga.

Natulog ang mga kasama. Naiwan ang dalawa...

Usapang nakainom...bolahan at kulitan...bolahan...bolahan...bolahan

0 Comments:

Post a Comment

<< Home