K3

Just thinking aloud...

Monday, January 16, 2006

BAGONG LUMA

"Narinig ko na yan!" Ito ang linya ng lahat sa tuwing napapag-usapan ikaw at ako...Haaaaayyyyyy....pano nga ba?

Ngayong taon ipinagdadasal ko na sana ay talagang mabago na ang lahat.

Luma na ang usapin pero maraming bago...Paulit ulit na ang pag-uusap tungkol sa iisang bagay pero maraming pagkakaiba...

Ay ewan! Basta ang alam ko ako mismo nahihirapan na...salamat at tinapos na natin.

Sana nga pareho tayong magbago sa ikabubuti ng bawat isa...Ayokong mag-isa pero hindi rin talaga siguro ikaw ang dapat kong makasama.

Salamat sa pagkakataon. Salamat sa pagkakaibigan. Salamat sa pang-unawa. Salamat sa pagdamay. Salamat sa lahat.

Alam kong andyan ka lang, andito rin lang ako. Pero dapat siguro manatili na ganon, andyan ka andito ako. Baka nga kailangan ng konting espasyo sa gitna.

Natutuwa ako na nalampasan natin ito pero ang pinakamalaking hamon ay kung matatagalan natin ang ganito...Napakaraming pagkakataon na nating inayos ito at paulit ulit na rin tayong nagkamali...Sana ngayon tuluy tuloy na...

Alam ko hindi pilit ang resolusyon. Nararamdaman ko ang sinseridad. Pero andun pa rin ang takot, andun ang kaba...na baka maulit ulit ang lahat at magkasakitan tayo...

Gayunpaman naroon din ang tiwala, naroon ang pag-unawa, mayroon ding pag-asa ... makakayanan natin ito, magtutulungan tayo.

1 Comments:

Post a Comment

<< Home